Bukidnon – Tinatayang Php239,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang suspek sa isinagawang PNP buy-bust operation nitong Agosto 17, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si Jory Sacote, 22, residente ng P-2, Brgy, Sinangguyan, Don Carlos, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, naaresto ang suspek bandang 2:45 ng hapon sa Purok-12 Poblacion Sur, Don Carlos, Bukidnon ng pinagsanib pwersa ng Don Carlos Municipal Police Station, Bukidnon Provincial Intelligence Unit, 2nd Bukidnon Provincial Mobile Force Company at Regional Drug Enforcement Unit-10.
Nakumpiska sa suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 35.1470 gramo na nagkakahalaga ng Php239,000, isang unit ng Samsung brand touch screen cellphone, isang empty cigarette pack, Php600 na cash, isang unit ng Suzuki raider 150 na walang plate number at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Bukidnon PNP ay patuloy ang operasyon at kampanya laban sa ilegal na droga tungo sa isang mapayapa at maunlad na probinsya.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10