Nasamsam ng mga operatiba ng Butuan PNP ang tinatayang Php238,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isang High Value Individual sa Purok 2, Barangay Libertad, Butuan City bandang 7:48 ng gabi nito lamang Agosto 3, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jojo”, 47 taong gulang, kasalukuyang nakatira sa lungsod ng Butuan na kilala bilang High Value Individual (HVI) na dati nang nakulong sa kasong droga at nakalaya noong 2017.
Sa kanyang posesyon, nasamsam ang siyam na pakete ng pinaniniwalaang shabu; isang pakete ng buy-bust item na tinatayang nasa 35 gramo na may kabuuang halaga na Php238,000; Php3,000 buy-bust money; isang black oppo android phone at iba’t ibang mga drug paraphernalia.
Naging matagumpay ang operasyon sa pangunguna ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Butuan City Police Station 3 katuwang Regional Intelligence Unit 13, PDEA Agusan del Norte Provincial Office.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Butuan PNP sa pagpapataas ng seguridad at tiwala ng publiko sa pamamagitan ng pagpigil sa pagkalat ng ilegal na droga na nagdudulot ng iba’t ibang problema sa kalusugan at lipunan upang mapanatili ang isang maayos at ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin