Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit Php200,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang High Value Drug Personality sa buy-bust operation noong Nobyembre 24, 2024 sa Purok 9, Ramon Magsaysay Street, Barangay Poblacion, Calinan District, Davao City.
Ayon kay Police Major Leo Arvin O. Alce, Acting Station Commander ng Calinan Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Soy-soy,” 34 anyos, isang construction worker at residente ng Barangay Calinan.
Narekober ang humigit-kumulang 35.02 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php238,136, dalawang cellphone, isang belt bag, motor, at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
Patuloy namang nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Regional Office 11 upang mapanagot ang lahat ng lumalabag sa batas at mapanatili ang kapayapaan para sa bawat Dabawenyo.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino