Nakumpiska ang tinatayang Php238,000 halaga ng hinihinalang shabu sa magkapatid sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Villanueva Municipal Police Station sa Barangay Looc, Villanueva, Misamis Oriental nito lamang ika-16 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Major Princess Bergado, Officer-In-Charge ng Villanueva MPS, ang magkapatid na sina Alyas “Don”, 35 taong gulang, lalaki, at alyas “Jennie”, 33 taong gulang, babae, residente ng nasabing lugar at kinilalalng mga Newly Identified Drug Personality.
Sa ikinasang operasyon ay nakumpiska ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 35 na gramo at may Standard Drug Price na Php238,000 at isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money at iba pang mga non-drug items.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Hilagang Mindanao na nagtutulungan sa paglaban kontra ilegal na droga upang mapanatiling payapa at ligtas ang mga nasasakupang komunidad.