Monday, November 25, 2024

Php224K halaga ng shabu nakumpiska sa buy-bust ng Muntinlupa PNP, drug den nabisto

Muntinlupa City – Umabot sa Php224,400 halaga ng shabu ang nakumpiska sa limang suspek sa buy-bust ng mga otoridad sa lungsod ng Muntinlupa, madaling araw ng Biyernes, April 22, 2022, na nauwi sa pagkakabisto sa isang drug den sa lugar.

Kinilala ni Southern Police District Director Police Brigadier General Jimili Macaraeg, ang mga suspek na sina Bobby Tinio Arceno, 34; Danny Botocan Abas, 26, construction worker; Angelito Salas Andaya, 42, construction worker; Alejandro Encarnacion Hernandez, 31; at John Carl Valenzuela Tan, 25, massage therapist, pawang mga residente ng Muntinlupa City.

Ayon kay Police Brigadier General Macaraeg, bandang ala-una ng madaling araw ng mahuli ang mga suspek sa umanoy drug den sa Brgy. Sucat, Muntinlupa City ng pinagsanib puwersa ng DDEU-SPD, DID, DMFB-SPD at Sub-Station 4 ng Muntinlupa CPS.

Ayon pa kay General Macaraeg, nasamsam sa lima ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 33 gramo at nagkakahalaga ng Php224,400. Narekober din ang Php500 na ginamit bilang buy-bust money, at isang brown coin purse.

Sinampahan ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Pinuri naman ni General Macaraeg ang mga operatiba sa pagkakadampot sa lima, aniya, “The success of the operation displays the unremitting commitment of the police to stop the proliferation of illegal drugs particularly in Southern Metro area.”

Source: PIO SPD

###

PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles