Nasamsam ng mga awtoridad ang 11 kahon ng smuggled na sigarilyo sa Sitio Tenorio, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-24 ng Abril 2025.
Matapos makatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen, isang agarang tugon na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Gieson M Baniaga, Chief of Police ng Datu Odin Sinsuat, ang pagsagawa ng verification operation katuwang ang mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit – MDN PPO, 1st PMFC MDN PPO, 1401st RMFB 14-A, at 1404th RMFB 14-A, at agad nagtungo sa lugar.
Nasabat ng mga operatiba ang mga kahon ng Dunston brand cigarettes na iniwang nakaimbak sa tabi ng kalsada na tinatayang nagkakahalaga ng Php220,000.
Layunin ng operasyon ang mapigilan ang patuloy na paglaganap ng mga smuggled goods sa nasasakupan at matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na kalakalan. Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mamamayan at mabilis na aksyon ng kapulisan, naisasakatuparan ang mas ligtas at mas maayos na komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya