Nasabat ang tinatayang Php217,000 halaga ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng Nasipit Municipal Police Station sa District 3, Barangay Ata-atahon, Nasipit, Agusan del Norte nito lamang ika-14 ng Enero, 2025.
Kinilala ni Police Colonel April Mark C. Young, Provincial Director ng Agusan del Norte Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Jerund,” 22 anyos, binata, walang trabaho, at residente ng Margos Sa Tubig, Zamboanga del Sur.
Sa operasyon, nasamsam mula sa suspek ang tinatayang Php217,000 halaga ng droga at iba pang non-drug items.
Naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng Nasipit Municipal Police Station, katuwang ang Agusan del Norte Provincial Intelligence Unit (PIU) at PDEA-Agusan del Norte Provincial Office na sinaksihan ng mga kinatawan mula sa Department of Justice, media, at opisyal ng barangay.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.
“For their efforts exerted during the police operations with the collaboration of the community will catalyze peace and hasten our efforts in neutralizing illegal drug personalities and eradicate the proliferation of illegal drugs in the province of Agusan del Norte and to the entire Caraga region,” ani PCol Young.
Panulat ni Pat Karen Mallillin