Kalaboso sa ikinasang anti-drug operation ng mga tauhan ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit ang isang lalaking suspek na nakumpiskahan ng tinatayang higit sa Php207,000 halaga ng shabu nito lamang Huwebes, Agosto 22, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, District Director ng Southern Police District, ang nadakip na suspek na si alyas “Alexander”, 48 anyos.
Naganap dakong 9:30 ng gabi sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City ang operasyon kung saan nasabat ng mga alagad ng batas ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, humigit-kumulang 30.46 gramo ang bigat, na may halagang Standard Drug Price (SDP) na Php207,128, Php500 bill at anim na Php1,000 bill na boodle money at isang itim na coin purse.
Reklamong paglabag sa Seksyon 5 at 11 ng Republic Act 9165 ang inihahanda laban sa suspek.
Puspusan naman ang SPD sa pagsasagawa ng mga operasyon upang mapuksa ang mapaminsalang droga upang makamit ang maunlad at ligtas na komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos