Rizal – Tinatayang Php207,400 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang ginang sa isinagawang buy-bust operation ng Antipolo PNP nito lamang Biyernes, Oktubre 6, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Rainerio De Chavez, Officer-In-Charge ng Rizal Police Provincial Office, ang ginang na si alyas ‘’Myla’’, drug seller, residente ng Brgy. Mayamot, Antipolo City.
Naaresto ang ginang bandang 12:32 ng hating-gabi sa Kingville Subdivision Edward St., Brgy. Mayamot, Antipolo City ng mga operatiba ng Antipolo City Police Station matapos ang halos isang linggong pagsu-surveillance rito.
Nakumpiska mula sa ginang ang walong pirasong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 30.5 gramo at nagkakahalaga ng Php207,400, isang pirasong Php1,000 bill at isang kulay itim na coin purse.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Pinupuri ko ang ating kapulisan sa isa na namang tagumpay na laban sa ilegal na droga, ipagpatuloy lamang ito upang mabatid ng mga kriminal na wala silang lugar sa probinsya ng Rizal” ani ni PCol De Chavez.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin