Tinatayang Php204,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng Taytay PNP sa kahabaan ng Don Hilario Avenue, Barangay San Juan, Taytay, Rizal nito lamang ika-12 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Adonis”, 53 taong gulang, residente ng Taytay, Rizal.
Naaresto ang suspek bandang 12:15 ng umaga sa nasabing barangay ng Drug Enforcement Team ng Taytay Municipal Police Station.
Nakumpiska mula sa suspek ang anim na pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 30 gramo at nagkakahalaga ng Php204,000, isang pitaka, tig-isang pirasong Php1000 at Php500 bill bilang boodle money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Rizal PNP ay hindi titigil sa kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatli ang kapayapaan at seguridad sa pagkamit ng isang Bagong Pilipinas na ligtas mula sa iba’t ibang uri ng kriminalidad.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng