Tagbilaran City, Bohol – Nasabat ng Tagbilaran City PNP ang Php200,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Olivo Barol Street Purok 3, Barangay Taloto, Tagbilaran City, Bohol nito lamang umaga ng Sabado, ika-17 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Regie Palis Real, Chief of Police ng Tagbilaran City Police Station, ang dalawang suspek na si Alias Lyn, 32, residente ng Purok 4 Barangay Taloto, Tagbilaran City, Bohol at si Alias John, 41, residente ng Purok 4, Barangay Booy, Tagbilaran City, Bohol.
Ayon kay PLtCol Real, naaresto ang mga suspek bandang 12:45 ng umaga sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Tagbilaran City Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Justeofino M Hinlayagan.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php204,000, isang bag, cell phone at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.
Ang tagumpay ng Tagbilaran City PNP sa pagkakadakip sa mga suspek ay bunga ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at sa iba’t ibang uri ng kriminalidad sa lungsod upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating komunidad.