San Mateo, Rizal – Tinatayang Php204,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong suspek sa operasyon ng Rizal PNP nito lamang Biyernes, Agosto 26, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director, Rizal Police Provincial Office, ang mga naarestong suspek na sina Gemma Casapao Y Nase aka Ate, 41, walang asawa, walang trabaho, residente ng No. 66, 5th Street, Countryside, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City; Venjo Manuson Y Redor aka Venjo, 30, may live-in partner, company driver, residente ng No. 76 Dao Street, Marikina Heights, Marikina City at Yusup Hinoor Y Tampugao aka Ibrahim, 22, walang asawa, residente ng San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 1:00 ng hapon naaresto ang mga suspek sa kahabaan ng C6 Road, Brgy. Ampid 1, San Mateo, Rizal sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal Provincial Intelligence Unit/Philippine Drug Enforcement Unit sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 4A.
Ayon pa kay PCol Baccay, narekober sa mga suspek ang 15 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 30 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php204,000, isang pirasong Php500 bill bilang marked money, tatlong pirasong Php100 bill at isang brown na coin purse.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Source: Rizal Ppo Pio
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin