Marawi City – Tinatayang Php204,000 halaga ng shabu ang nakumpisa sa isang Street Level Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Marawi CPS sa Brgy. Papandayan, Marawi City, Lanao del Sur noong ika-15 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General John Guyguyun, Acting Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, ang suspek na si Cosary Magandoga.
Nakumpiska ng pinagsamang operatiba ng Marawi City Police Station at City Drug Enforcement Unit mula sa suspek ang 30 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na Php204,000.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong suspek.
Samantala, pinuri ni PBGen Guyguyun, ang mga tauhan ng Marawi City Police Office at Lanao del Sur Police Provincial Office sa kanilang matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay lamang na ang PRO BAR ay hindi titigil sa pagsugpo sa paglaganap ng ipinagbabawal na droga at upang mapigil ang anumang uri ng kriminalidad na posibleng maidulot ng paggamit nito.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz