Valenzuela City – Tinatayang Php204,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Valenzuela City Police Station nito lamang Linggo, Setyembre 24, 2023.
Kinilala ni PBGen Rizalito Gapas, District Director ng Northern Police District, ang suspek na si alyas “Michael”, 50, na residente ng Valenzuela City.
Ayon kay PBGen Gapas, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng istasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek bandang 9:00 ng umaga, sa kahabaan ng Mc Arthur Highway corner ACA St. Malanday, Valenzuela City.
Nasamsam sa suspek ang anim (6) na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na humigit-kumulang tatlumpung (30) gramo na nagkakahalaga ng Php204,000; isang (1) pirasong Php500 na may kasamang walong (8) pirasong Php1,000 boodle money; isang (1) unit samsung cellphone; at isang (1) unit na Honda Click 125i motorcycle color black/red w/ plate no. 864QSE na may helmet at susi.
Paglabag sa Seksyon 5 at 11 sa ilalim ng Artikulo II ng RA 9165 ang kahaharapin ng suspek.
Tinitiyak ng PNP na hindi titigil ang kanilang hanay sa pagsugpo sa anumang uri ng kriminalidad lalo na sa ilegal na droga at mapanagot sa batas ang lahat ng mahuhuling lumalabag dito.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos