Antipolo City, Rizal – Tinatayang Php204,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng Antipolo City PNP nito lamang Sabado, Setyembre 3, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, Chief of Police, Antipolo City Police Station, ang suspek na si John Robert Castelo Y James, alyas “Tutoy”, 21, walang trabaho, residente ng Blk13, Lot14, Sitio Tanglaw, Brgy. San Isidro, Antipolo City.
Ayon kay PLtCol Abrazado, bandang 9:00 ng gabi naaresto ang suspek sa Sitio Tanglaw, Brgy. San Isidro, Antipolo City ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Team ng Antipolo CPS.
Narekober sa suspek ang anim na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 30 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php204,000, isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money at isang coin purse.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Source: Antipolo City Police Station
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin