Nasabat ang tinatayang Php204,000 halaga ng shabu ng mga tauhan ng Taguig City PNP nito lamang Miyerkules, Nobyembre 13, 2024 bandang 1:45 ng hapon sa Barangay Ususan, Taguig City.
Ayon Kay Police Brigadier General Bernard Yang, District Director ng Southern Police District, naaresto ang suspek na si alyas “Armando”, 49 sa paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Nakuha mula sa suspek ang 30 gramo ng hinihinalang shabu, isang black box, isang brown pouch, isang yellow lighter, isang wood stick na may rubber bond, pack ng transparent plastic sachet at isang weighing scale.
“Nananatili kaming walang humpay sa aming mga pagsisikap na alisin ang aming mga komunidad sa ilegal na droga. Ang operasyong ito ay isa pang hakbang tungo sa pagtiyak ng kaligtasan at kagalingan ng aming mga mamamayan. Patuloy kaming magsisikap nang walang humpay sa pakikipagtulungan sa hudikatura upang alisin sa aming mga lansangan ang droga – mga kaugnay na krimen,” ani PBGen Yang.
Source: SPD PIO