Thursday, January 16, 2025

Php204K halaga ng shabu, narekober ng Camarines Norte PNP

Camarines Norte – Tinatayang nasa Php204,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang ginang sa inilunsad na Search Warrant Operation ng pinagsamang mga operatiba ng Camarines Norte PNP sa Purok 2, Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte nito lamang Hunyo 14, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Antonio Bilon Jr., Provincial Director ng Camarines Norte PPO, ang arestado na si alyas “Nora”, 29, at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay PCol Bilon Jr., bandang 10:00 ng umaga ng isinagawa ang paghahain ng Search Warrant ng pinagsanib na mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit 5 (ODRDO-RPDEU5 Team Cam. Norte) lead unit at Jose Panganiban MPS sa pakikipag-ugnayan sa PDEA-Camarines Norte Provincial Office.

Nakumpiska mula sa suspek ang 46 na piraso ng magkakaibang laki na pakete ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 30 na gramo na may street value na Php204,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen na isinusulong ng Camarines Norte PNP kung kaya hinihikayat ang mamamayan na makipagtulungan sa otoridad upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.

Source: Camarines Norte PPO

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles