Iloilo – Tinatayang Php204,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa dalawang drug personality sa ikinasang anti-illegal drug operation ng pulisya sa Brgy. Ungka 1, Pavia, Iloilo, nito lamang ika-1 ng Oktubre 2023.
Kinilala ni Police Major Dadje Delima, Hepe ng Pavia Municipal Police Station, ang mga naaresto na sina alyas “Kid-ol”, High Value Individual, 19, walang trabaho, at naninirahan sa, Brgy. Mali-ao, Pavia, Iloilo, at si alyas “Nonoy”, Street Level Individual, 21, construction worker, residente ng Purok 4, Pavia, Iloilo.
Ang operasyon ay isinagawa bandang 7:40 ng gabi ng pinagsamang pwersa ng mga operatiba ng Pavia Municipal Police Station, at Regional Police Drug Enforcement Unit ng Iloilo PPO.
Ayon kay PMaj Delima, narekober sa dalawang drug suspek ang higit kumulang 30 gramo ng pinaghihinalaang shabu, na may tinatayang halaga na Php204,000, isang patalim, at ilang mga non-drug items.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy na hinihimok ng kapulisan ang mamamayan na makipagtulungan sa awtoridad at huwag mag-atubiling i-report ang mga taong may kinalaman sa kalakalan ng ilegal na droga, para sa mas mabilis na aksyon at mapanagot ang sangkot sa ilegal na aktibidad.