Malabon City — Tinatayang Php240,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District nito lamang Huwebes, Mayo 19, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Ulysses Cruz, District Director ng Northern Police District ang mga naarestong suspek na sina Angelito Manangan y Lacson alyas “Toto”, 33, residente ng Barangay Longos, Lungsod ng Malabon, at Jeffrey Olino y Ablaza alyas “Jeff”, 45, residente ng Barangay Malinta, Lungsod ng Valenzuela.
Ayon kay PBGen Cruz, naaresto ang dalawang suspek bandang 10:30 ng gabi sa kahabaan ng Phase 2, Area 3, Hito Street, Barangay Longos, Lungsod ng Malabon.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet at knot tied transparent plastic na parehong naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 30 gramo na nagkakahalaga ng Php240,000, at isang Php500 na may kasamang apat na piraso na Php500 na boodle money na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Seksyon 5 at 11 ng Artikulo II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinisiguro ni PBGen Cruz, na ang kapulisan ng NPD ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad.
Source: NPD-PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos