Iloilo – Tinatayang Php204,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng PNP sa isinagawang paghahain ng Search Warrant sa Brgy. Cabugao Norte, Santa Barbara, Iloilo nitong ika-24 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Major Jose Rey Pabalan, Hepe ng Santa Barbara MPS, ang nahulihan ng droga na si Rey Lamera, 40, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Cabugao Norte, Santa Barbara, Iloilo.
Ayon kay Police Major Pabalan, isinagawa ang operasyon bandang alas-5:30 ng umaga sa pinagsamang pwersa ng mga tauhan ng Santa Barbara Municipal Police Station katuwang ang IPPO PIU, IPPO PDEU Team 2, 1st IPMFC, at Coast Guard Intelligence Group Western Visayas.
Ayon pa kay PMaj Pabalan, habang isinasagawa ang search at seizure sa naturang bahay ng subject person ay nakuha sa kanya ang 25 pakete ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 30 gramo na may Standard Drug Price na Php204,000. at mga drug paraphernalia.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa section 11 ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Iloilo PNP ay patuloy sa mga ganitong operasyon upang masawata ang ilegal na droga at mapigilan ang iba pang mga ilegal na aktibidad sa lalawigan.