Cotabato – Tinatayang aabot sa Php204,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang 30-anyos na nagtutulak ng ilegal na droga sa Purok 5, Barangay Bialong, Mlang, North Cotabato, dakong alas-10 ng gabi noong Hulyo 22, 2023.
Kinilala ni PBGen Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Jemboy”, residente ng Matalam, North Cotabato.
Ayon kay PBGen Macaraeg, naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 12 (lead unit), RID12, RSOG12, RIU12, PDEG-SOU12, PDEU – CPPO at Mlang Municipal Police Station.
Dagdag pa ni PBGen Macaraeg, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 30 gramo na may tinatayang halaga na Php204,000 at ang marked money na ginamit sa operasyon.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa suspek.
Ang kapulisan ng PRO 12 katuwang ang pamayanan ay patuloy na magkakaisa upang masugpo ang ganitong klase ng krimen para malinis ang komunidad sa presensya ng ilegal na droga na sumisira sa buhay ng mamamayang Pilipino.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin