Nakumpiska mula sa dalawang indibidwal ang tinatayang Php204,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Aticlan Drive, Arena Blanco, Zamboanga City bandang 5:50 ng hapon noong Abril 9, 2025.
Kinilala ni Police Major Ahmed Czar A Anuary, Station Commander ng Zamboanga City Police Station 6, sa pakikipag-ugnayan ng TSC RMFB 9, ang suspek na sina alyas “Toy” (HVI), 42 taong gulang at si alyas “Salam” (newly identified SLI), 45 taong gulang, parehong kasal, elementary graduate, at kapwa tindero ng isda, at mga residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 30 gramo at may street value na Php204,000, dalawang coin purse, isang (1) pirasong Php1,000 bill marked money at apat na pirasong Php1,000 boodle money.
Mahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga suspek.
Patuloy ang PNP sa pagsisiguro na ligtas at publiko sa anumang uri ng ilegal na droga at panatilihing maayos at payapa ang komunidad.
Panulat ni Pat Joyce Franco