Cebu City – Arestado ng mga operatiba ng Police Station 5 ng Cebu City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency 7, ang isang tulak ng ilegal na droga sa ikinasa na buy-bust operation sa Magallanes St., Barangay Ermita, Cebu City nito lamang Miyerkules, Marso 8, 2023.
Kinilala ni Police Major Paul Cabale Albotra, Station Commander ng Police Station 5, ang naaresto na si alias “Ken”, 39, residente ng Barangay Kalubihan, Cebu City.
Ayon kay PMaj Albotra, nadakip ang suspek matapos makuhanan ng nasa 18 na small plastic sachet at anim na medium size plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 35 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na Php238,000.
Nakuha din sa suspek ang isang coin purse na ginamit bilang lagayan ng naturang droga at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kakaharapin ng naturang suspek.
Patuloy naman na pinapaigting ng Cebu City Police Office ang kampanya kontra ilegal na droga sa lungsod upang isulong ang isang maayos, ligtas at drug-free na pamayanan.