Saturday, May 31, 2025

Php200K halaga ng shabu, baril at mga bala, nakumpiska; 6 indibidwal, arestado ng PNP at AFP

Tinatayang Php200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa anim na indibidwal, kabilang ang isang High Value Individual sa ikinasang law enforcement operation ng pinagsanib na puwersa ng PNP at AFP sa Sitio Mamadra, Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte noong Mayo 27, 2025.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Esamel Madin, Hepe ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ebrahim,” “Yahiya,” “Monta,” “Sahid,” “Randolph,” at alyas “Jomar,” na tinukoy bilang target ng operasyon at kabilang sa mga High Value Individuals (HVI) sa nasabing lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang mahigit 400 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php200,000, isang (1) cal.45 pistol, magazine, mga bala, iba’t ibang uri ng drug paraphernalia, mga identification cards, at marked money na ginamit sa buy-bust operation.

Ayon kay PLtCol Madin, tatlong kaso ang ihahain laban sa mga naarestong suspek, paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” partikular na ang pagbebenta, paggamit ng ilegal na droga at pagkakasangkot sa drug den, Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, at paglabag sa COMELEC Gun Ban.

Ang tagumpay ng operasyong ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng PNP at AFP sa ilalim ng kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga, alinsunod sa adhikain ng Bagong Pilipinas para sa isang ligtas, payapa, at maunlad na bayan.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,610SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles