Tinatayang Php200,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga operatiba sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Caang, Kayapa, Bakun, Benguet noong ika-14 ng Agosto 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga pulisya sa pangunguna ng Bakun Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, Benguet Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit 14 at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may tinatayang lawak na 200 square meters at may nakatanim na 1,000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php200,000 Standard Drug Price.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Ang maigting na kampanya ng PNP ay bilang pagsuporta at tugon sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr., na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para masugpo ang paglaganap ng ilegal na droga at maging illegal drug-free ang bansa.