Nasabat ang tinatayang Php20,400,000 halaga ng shabu sa tatlong High Value Individual sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Sitio San Ramon, Talisayan, Zamboanga City nito lamang ika-21 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bowenn Joey M Masauding, Regional Director ng Police Regional Office 9, ang mga suspek na si alyas “Mario”, 34 anyos, na residente ng Bongao Tawi Tawi; alyas “Alsid”, 36 anyos; alyas “Jom”, 24 anyos na parehong residente ng Kayawan, Pata, Sulu.

Ikinasa ang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit 9, Zamboanga City PNP katuwang ang NISG-WM at NAVSOU-6 na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska ng tatlong heat-sealed transparent plastick packs na pinaghihinalaang shabu na may timbang na tatlong (3) kilo at tinatayang nagkakahalaga ng Php20,400,000, at 1,399 na piraso ng Php1,000 bill bilang boodle money at iba pang non-drug evidence.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga suspek.
Patuloy ang Zamboanga City PNP sa mas lalong pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco