Tinatayang mahigit nasa Php20,240,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isang abandonadong bahay sa Barangay Sigayan, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte nito lamng ika-11 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Police Colonel Roy A Magsalay, Provincial Director ng Lanao del Norte PNP, nadiskubre sa operasyon ang 506 na kahon ng mga smuggled cigarettes sa dalawang abandonadong bahay na dinadala ng isang bangka na may markang “Jungkong”.
Ang mga nakumpiskang smuggled cigarettes na binubuo ng 115 na kahon ng champion brand; 97 na kahon ng Red Astro Filter Kings Brand; 102 na kahon ng Green Astro Brand; 41 na kahon ng Cannon Menthol; 95 na kahon ng Fort Brand; 19 na kahon ng New Far Brand; 19 na kahon ng New Berlen at 18 na kahon ng Hero Brand na may tinatayang nasa Php 20,240,000.
Patuloy ang Lanao del Norte PNP sa malalim na imbestigasyon upang managot ang mga taong nasa likod ng ilegal na aktibidad.