Las Piñas City — Tinatayang dalawang milyong piso ang nasabat sa dalawang babae na umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng Las Piñas City Police Station nito lamang Biyernes, Hulyo 1, 2022.
Kinilala ni Southern Police Ditrict Director, Jimili Macaraeg, ang mga suspek na sina Charmaine Ann Escarlan y Belsondra alyas “Char,” 28, at Airene Ramos y Bulabog, 26.
Ayon kay PBGen Macaraeg, naaresto sina Escarlan at Ramos bandang alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng Zapote River Drive Brgy. Zapote, Las Piñas City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit.
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong large knot ties transparent ice plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 300 gramo at may Standard Drug Price na Php2,040,000, at isang maroon shoulder bag.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“The SPD is continuing its relentless operation against illegal drugs and other forms of criminality. I would like to commend our personnel on the ground for their dedication and service to the public,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos