Kalinga – Binunot at sinunog ng Kalinga PNP ang tinatayang mahigit dalawang milyong halaga ng marijuana na nadiskubre sa Brgy. Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga nito lamang Abril 27, 2023.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng marijuana eradication ang mga tauhan ng Kalinga PNP at Kalinga 2nd Provincial Mobile Force Company na nagresulta sa pagkakadiskubre ng dalawang plantasyon sa nasabing lugar.
Dagdag pa sa ulat, 14,700 piraso ng mga fully grown marijuana plants na may Standard Drug Price na Php2,940,000 ang nadiskubre ng mga operatiba sa nasabing operasyon na agad namang binunot at sinunog.
Samantala, wala naman nahuling cultivator sa mga nadiskubreng plantasyon.
Ang Kalinga PNP ay patuloy na papaigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga para sa ligtas at payapang pamumuhay sa buong probinsya.