Nadiskubre ang tinatayang Php2,940,000 halaga ng marijuana sa isinagawang marijuana eradication ng Benguet PNP sa Barangay Kayapa, Bakun, Benguet nito lamang ika-11 ng Marso 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Officer-In-Charge ng Benguet Police Provincial Office, ang operasyon ay pinangunahan ng mga operatiba ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga operatiba ng Bakun Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit/ Provincial Intelligence Unit ng Benguet PPO, Regional Intelligence Division, PRO Cordillera, at Philippine Drug Enforcement Agency – CAR.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakadiskubre ng tatlong plantasyon ng marijuana sa Sitio Legab, Kayapa, Bakun, Benguet na may kabuuang lawak na 2,100 square meters at may nakatanim na 11,200 piraso ng marijuana na tinatayang may Standard Drug Price na Php2,240,000.
Bukod pa rito, nadiskubre rin ng mga operatiba ng Bakun MPS ang isa pang plantasyon ng marijuana sa Sitio Lengyatan, Kayapa, Bakun, Benguet na may lawak na 700 square meter na may tanim na 3,500 piraso ng marijuana at tinatayang may Standard Drug Price na Php700,000.
Sa kabuuan, umabot sa Php2,940,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre na agad namang binunot at sinunog sa mismong plantasyon ng Benguet PNP.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang matagumpay na operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Benguet PNP kasama ang iba pang unit at tiniyak nito na hindi titigil ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga lalo na sa pagtatanim nito.
Panulat ni PSSg Ermilinda Cacliong