Nasabat ng pulisya ang Php2.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa J. Solon Dr Street, Sitio Camagong, Barangay Lahug, Cebu City, noong ika-9 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jomar P Dela Cerna, hepe ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7, ang suspek na si alyas “Emo”, 53 anyos at residente ng Sitio Camagong, Barangay Lahug, Cebu City.
Bandang 10:25 ng gabi ng ikinasa ng kapulisan ang naturang buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek at pagkasabat ng 8 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 400 gramo at may standard drug price na Php2,720,000, black belt bag at buy-bust money.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang kapulisan ng Central Visayas ay patuloy ang mga operasyon laban sa ilegal na droga upang masakote ang mga indibidwal na nasa likod nito dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka.
Source: RPDEU 7
Panulat ni Pat Grace Coligado