Nasabat ng Pampanga PNP ang Php2,733,600 halaga ng shabu sa apat na High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Cabetican, Bacolor, Pampanga nito lamang Sabado, ika-25 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Colonel Jay C Dimaandal, Provincial Director ng Pampanga Police Provincial Office, ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jane”, 45 anyos, residente ng Quintin, Pangasinan; alyas “Jaime”, 52 anyos, isang security guard mula sa Quezon City; alyas “Jeff”, 44 anyos, isang motorcycle mechanic mula Caloocan City; at si alyas “Rie”, 39 anyos, isang tattoo artist mula sa Quezon City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na 402 gramo at may Standard Drug Price na Php2,733,600, kabilang ang Para-Ordnance 45 caliber pistol na may serial number na 53487, isang magasin na may tatlong bala, isang colt trooper MK-III 38 caliber revolver na may serial number na 850209 na may tatlong bala, isang gray Redmi cellphone at isang gray Hyundai Sonata na may plate number na TOG 788.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o illegal Possession of Ammunition.
Naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Pampanga Police Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Bacolor Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency ng Region.
Ang Pampanga PNP ay walang tigil sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga upang masiguro ang kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Pat Bulahao