Nasabat ang tinatayang Php2.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu, kalibre 38 na baril at iba pang ebidensya mula sa dalawang indibidwal sa isinagawang pagpapatupad ng search warrant na pinangunahan ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Ecoland Police Station sa SIR Phase 1, Barangay 76-A Bucana, Davao City nito lamang ika-13 ng Abril, 2025.
Kinilala ni Police Major Kevin P Rapid, Acting Station Commander ng Ecoland Police Station, ang magkasintahang suspek na sina alyas “Jebjeb”, 30 anyos at alyas “Indat”, 36 anyos, pawang mga residente ng nasabing lugar.
Nahaharap ngayon ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act” at Comelec Gun Ban.
Ang tuloy-tuloy na mga operasyon ng Police Regional Office 11 ay patunay ng kanilang walang-sawang pagsisikap na isulong ang napapanatiling kaayusan na susi sa mas maunlad na komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino