Saturday, May 3, 2025

Php2.7M halaga ng shabu nakumpiska ng Calamba City PNP; 2 suspek arestado sa patong-pato na kaso

Laguna – Tinatayang Php2,720,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek na may patong-pato na kaso sa isinagawang COMELEC checkpoint operation ng Calamba City PNP nito lamang Linggo, Oktubre 8, 2023.

Kinilala ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Acting Regional Director ng Police Regional Office CALABARZON, ang dalawang suspek na sina alyas “Jerome’’ at alyas ‘’Christopher’’.

Naaresto ang dalawang suspek bandang hapon sa Manila South Rd, Purok 2, Brgy. Parian, Calamba City sa isinagawang COMELEC Checkpoint Operation ng Calamba Component City Police Station.

Nakumpiska mula kay alyas ‘’Jerome’’ ang dalawang piraso ng pinaghihinalaang drug paraphernalia, kabilang ang isang tubo ng tubig o isang improvised tool.

Samantala, tumanggi si alyas “Christopher” na buksan ang kanyang dalang backpack kung kaya’t nagkaroon ng pisikal na paghalughog at nakumpiska ang 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php2,720,000.

Bukod dito, nakumpiska mula sa mga suspek ang isang caliber .45 pistol, isang Magnum .22 revolver at Php1,260 cash.

Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong traffic infractions, paglabag sa Omnibus Election Code’s Gun-Ban kaugnay sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag sa Section 5 at 11 Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri at pinasalamatan ni RD, PRO4A ang mga tauhan ng Calamba PNP sa pagtaguyod ng batas sa pamamahala ng COMELEC checkpoint at pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng komunidad bilang paghanda sa isang mapayapa at matagumpay na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Source: Police Regional Office 4A

Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles