Nadiskubre ng mga awtoridad ang tinatayang Php2,700,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-4 ng Oktubre 2024.
Ayon kay Police Colonel Gilbert A Fati-ig, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa na pinangunahan ng Tinglayan Municipal Police Station katuwang ang 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Provincial Drug Enforcement Unit, Kalinga Police Provincial Office, Regional Mobile Force Battalion 15 at Philippine Drug Enforcement Agency Kalinga.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may lawak na mahigit kumulang 900 square meters at may nakatanim na mahigit kumulang 13,500 na piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php2,700,000 Standard Drug Price.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng binunot na Fully Grown Marijuana Plants ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Fati-ig ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at sinisiguro naman na lalo pang paiigtingin ang kanilang kampanya kontra sa ilegal na droga, gayundin upang matuldukan ang paglaganap ng pinagbabawal na gamot sa kanilang nasasakupan.
Ang pagpuksang ito ng PNP ay bilang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para masugpo ang paglaganap ng ilegal na droga at maging illegal drug-free ang bansa.