Nasabat ang kabuuang Php2,536,000 halaga ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Anti-illegal drug operations ng Police Regional Office 13 na nagresulta sa pagkakaaresto sa limang drug personalities sa rehiyon ng Caraga nito lamang Agosto 2, 2024.
Ibinunyag ni Police Brigadier General Alan M Nazarro, Regional Director ng PRO 13, na ang mga suspek ay si alyas “Lolong”, High Value Individual (HVI), ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Special Operations Unit 13, Placer Municipal Police Station (MPS), Claver MPS, 2nd Surigao del Norte Provincial Mobile Force Company, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Surigao del Norte Provincial Office (PO) sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Regional Office 13, Regional Intelligence Unit 13, at Integrity Monitoring Enforcement Group – Mindanao Field Unit Team 13.
Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng buy-bust operation sa Barangay Bad-as, Placer, Surigao del Norte at narekober ang Php2,380,000 halaga ng hinihinalang shabu.
Samantala, nagsagawa ng buy-bust ang Butuan City Police Station 2 at PDEA sa Barangay Ong Yiu, Butuan City na humantong sa pagkakaaresto nina alyas “Jonathan”, alyas “Joy” at alyas “Vena”, pawang Newly Identified Street Level Individual at nakumpiska ang Php149,600 halaga ng ilegal na droga.
Habang sa Barangay Hubang, San Francisco, Agusan del Sur, inaresto si alyas “Jaime” ng mga elemento ng San Francisco Municipal Police Station sa isinagawang buy-bust operation at narekober ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php6,800.
“Our investigators are preparing airtight charges against the arrested individuals for violation of Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Our campaign remains relentless to trace and capture those involved in the illegal drug trade,” ani RD Nazarro.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin