Zamboanga City – Nasabat ang tinatayang Php2,520,000 na halaga ng assorted smuggled cigarettes ng Zamboanga City PNP sa baybaying bahagi ng RT Lim Boulevard, Zamboanga City nito lamang Miyerkules, Nobyembre 23, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier Neil Alinsañgan, Regional Director 9 ng Police Regional Office 9, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mawudan”, 34, kapitan ng bangka at 13 na tripulante na pawang mga residente ng Jolo, Sulu.
Ayon kay PBGen Alinsañgan, bandang 5:00 ng umaga nang naharang ng mga operatiba ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company, Bureau of Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service.
Nasabat sa mga suspek ang 49 master cases ng Astro Menthol at 23 master cases ng Cannon Menthol na tinatayang nagkakahalaga ng Php2,520,000.
Ang nasabing mga assorted smuggled cigarettes ay lulan ng isang motorized wooden craft na mas kilala sa tawag na “Jungkong” na may markang “MB MERNALYN” kulay white at asul.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay nagpapaalala sa mga mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9