Benguet – Tinatayang nasa Php2,400,000 halaga ng marijuana ang sinunog ng Benguet PNP sa isinagawang marijuana eradication operation sa Sitio Taliktik, Brgy. Banangan, Sablan, Benguet nito lamang ika-25 ng Abril 2023.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsamang puwersa ng Sablan Municipal Police Station, Benguet Provincial Intelligence Unit, at Benguet Provincial Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakadiskubre ng 20 kilos ng dried marijuana stalks na may Standard Drug Price na Php2,400,000.
Kaagad namang sinunog ng mga operatiba ang nadiskubreng marijuana stalks at walang nahuling marijuana cultivator sa naturang operasyon.
Ang Cordillera PNP ay magpapatuloy sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga at hindi titigil sa pagpuksa sa pagtatanim ng mga ipinagbabawal na halaman upang masiguro ang ligtas at masaganang pamayanan.