Kalinga – Tinatayang Php2,400,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre sa isinagawang marijuana eradication ng mga awtoridad sa Brgy Ngibat, Butbut, Tinglayan, Kalinga nito lamang Agosto 19, 2023.
Ayon kay Police Brigadier General David Peredo Jr., ang matagumpay na operasyon ay isinagawa sa ilalim ng PDEA COC No. 10002-082023-0115 “Kalinga PPO OPLAN “Fegut 1”, sa pangunguna ng mga operatiba ng Tanudan Municipal Police Station, Tinglayan Municipal Police Station at 1503rd Regional Mobile Force Battalion 15.
Ayon pa kay PBGen Peredo Jr., ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng isang plantasyon na may mahigit kumulang 12,000 Fully Grown Marijuana Plants na nakatanim sa lupain na may sukat na 800 sqaure meters at may Standard Drug Price na Php2,400,000.
Bagamat, walang nahuling marijuana cultivator, kaagad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng marijuana.
Ang matagumpay na operasyon ng Kalinga PNP ay resulta ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga.
Panulat ni Pat Febelyne C Codiam