Tinatayang Php2.4 milyong halaga ng marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Bay-o, Poblacion, Kibungan, Benguet nito lamang Hulyo 29, 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng mga operatiba sa pangunguna ng Kibungan Municipal Police Station kasama ang Benguet Police Provincial Office, Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may kabuuang sukat na 30 square meters at may tanim na 20 na piraso ng Fully Grown Marijuana Plants (FGMP) na nagkakahalaga ng Php4,000 kasabay ng pagkakadiskubre ng 20 kilograms ng pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana na may Standard Drug Price na Php2,400,000.
Kaagad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng marijuana at walang nahuling marijuana cultivator.
Ang Benguet PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga upang matuldukan ang pagtatanim at pagpapalaganap ng ipinagbabawal na halaman sa kanilang nasasakupan para sa isang payapa at maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolman Raffin Jude A Suaya