Kalinga – Tinatayang Php2,400,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre at sinunog ng pinagsamang mga operatiba ng Kalinga Police Provincial Office sa isinagawang dalawang araw na marijuana eradication sa Barangay Ngibat Tinglayan, Kalinga nito lamang Setyembre 18-19, 2023.
Ayon kay Police Colonel Freddie Lazona, Officer-In-Charge ng Kalinga PPO, ang operasyon ay nasa ilalim ng “Oplan Libas 4” at ito ay isinagawa ng mga pinagsamang operatiba mula sa Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit-Kalinga PPO, Tinglayan MPS, Regional Intelligence Divison, PRO Cordillera, Special Action Force, PDEA Kalinga, at 1503rd Maneuver Company, RMFB 15.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 1,200 square meters na may kabuuang tanim na 12,000 fully grown marijuana na nagkakahalaga ng tinatayang Php2,400,000 standard drug price.
Ang mga nadiskubreng marijuana ay binunot at sinunog sa mismong lugar.
Bagama’t walang naarestong cultivator sa operasyon, mananatiling alerto ang Kalinga PNP sa pagsagawa ng imbestigasyon upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga taong nasa likod nito.