Tinatayang Php2,400,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga operatiba sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Locok, Badeo, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-22 ng Marso 2025.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Kibungan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Benguet Police Provincial Office, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Benguet na may layuning paigtingin ang kontra illegal na droga.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may kabuuang sukat na 2,000 square meters na may nakatanim na humigit kumulang 12,000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php2,400,000.

Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng mga binunot na Fully Grown Marijuana Plant ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan, ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at sinisiguro naman na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya kontra sa iligal na droga upang matuldukan ang paglaganap ng pinagbabawal na gamot sa kanilang nasasakupan bilang pagsuporta sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para masugpo ang paglaganap ng ilegal na droga at maging illegal drug-free ang bansang Pilipinas.