Nasabat ang tinatayang mahigit Php2.3 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa dalawang indibidwal sa pagtutulungan ng mga operatiba ng Zamboanga Sibugay Provincial Intelligence Unit (PIU), Malangas Municipal Police Station, PNP Maritime Group, at Philippine Coast Guard Zamboanga Sibugay noong Pebrero 7, 2025 sa Purok Bagong Silang, Barangay Looc Tuburan, Malangas, Zamboanga Sibugay.
Kinilala ni Police Colonel Barnard Danue V Dasugo Provincial Director, Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, ang mga naaresto na sina alyas “Aki”, 20 anyos, walang asawa, isang motorized pump boat operator At alyas “Amir” 32 anyos, isa ring pump boat operator mula sa Barangay Caliran, Mabuhay, Zamboanga Sibugay.
Nakumpiska sa operasyon ang dalawang motorized pump boats—isang kulay orange at isang kulay berde—at mga sumusunod na kontrabando: tatlong master cases ng Modern Red Cigarettes, 14 na master cases ng Astro Red Cigarettes, 11 na master cases ng Astro White Cigarettes, 10 master cases ng Delta Red Cigarettes, dalawang master cases ng Blast Blue Cigarettes, isang master case ng Blast Red Cigarettes
Umabot sa 41 master cases ng smuggled cigarettes ang nakumpiska na may tinatayang halaga na Php2,349,300.
Bukod dito, ang dalawang motorized pump boats ay may tinatayang halagang Php60,000 bawat isa.
Ang matagumpay na operasyon ng Zamboanga Sibugay PNP ay patunay sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na gawain bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco