Iloilo – Tinatayang mahigit Php2.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust operation ng PNP nito lamang ika-14 ng Mayo 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Mark Anthony Darroca, Chief, RPDEU 6 ang suspek na si Ryan Ace Jallorina y Pendon, 41, residente ng Barangay San Jose, Escarios St., Pototan, Iloilo.
Ayon kay PLtCol Darroca, naaresto ang suspek sa Montero Village, Barangay Igang, Pototan, Iloilo sa pinagsanib pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 (RPDEU6), Criminal Investigation and Detection Group – Iloilo, Provincial Field Unit at Pototan Municipal Police Station.
Ayon pa kay PLtCol Darroca, nakumpiska sa suspek ang 48 sachet ng heat-sealed transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu, 2 pirasong big knot na nakatali na transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 350 gramo na nagkakahalaga ng Php2,380,000, timbangan, Php2,390 peso bill at iba pang kagamitan.
Ayon pa kay PLtCol Darroca naaresto ang suspek matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang police poseur-buyer kapalit ng Php20,000.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Flynn Dongbo, Police Regional Office 6 Director ang mga operatiba sa pagkakaaresto sa isang high value indibidwal sa lungsod.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy pa rin ang buong himpilan ng PNP sa pagpapatupad ng mas pinaiigting na kampanya laban sa mga pinagbabawal na droga at sa iba pang uri ng kriminalidad.
###