Cagayan de Oro City – Tinatayang nasa Php2,380,000 halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit ng Cagayan de Oro City Police Office sa Hinaplanon, Brgy. Baikingon, Cagayan de Oro City nito lamang Hulyo 31, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas “Edgar”, 43, residente ng Hinaplanon, Barangay Baikingon, Cagayan de Oro City.
Naaresto ang suspek bandang 12:35 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakakumpiska ng siyam na transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang na 350 gramo at may Standard Drug Price na Php2,380,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nanawagan naman ang Cagayan de Oro City PNP na tigilan ang paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan dahil patuloy ang pagtugis sa mga indibidwal na lumalabag sa batas.