Davao del Sur – Tinatayang Php2,200,000 halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga tauhan ng PNP sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Acbuling, Brgy. Bulol-salo, Kiblawan, Davao del Sur, noong Abril 17, 2022.
Sa pangunguna ng Philippine National Police–Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa pamumuno ni PBGen Randy Peralta, Director ng PNP DEG kasama ang mga tauhan ng Special Operation Unit 11; Kiblawan Municipal Police Station; Davao City Field Unit (DCFU); Davao City Field Unit Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit (DSFU CIDG RFU11); 11 Special Action Battalion (SAB)-PNP Special Action Force (SAF) at 1st Provincial Mobile Force Company Davao Del Sur (PMFC DDS) ay naging matagumpay ang nasabing operasyon.
Ayon kay PBGen Peralta, ang operasyon ay nagresulta ng pagkakabunot ng mahigit 11,000 halaman ng marijuana na nakatanim sa humigit kumulang 2,000 sq.m na lupain na kaagad nilang sinunog sa mismong lugar.
Hindi pa tukoy ng mga otoridad ang suspek sa nasabing taniman dahil sa wala silang naabutang tao sa lugar habang isinasagawa ang marijuana eradication.
Ang tagumpay na ito ng nasabing yunit ay malaking tulong upang tuluyang maisakatuparan ang layunin ng Police Regional Office 11 na gawing Drug Free ang Rehiyon Onse sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara