Imus City – Tinatayang Php2,210,000 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang babae sa buy-bust operation ng mga alagad ng batas nito lamang Sabado, Abril 2, 2022.
Kinilala ni PCol Arnold Abad, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office ang naarestong suspek na si Johaira Ansar Hadjizaman alyas Jira, residente sa Blk 29, Lot 6, Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City.
Ayon kay Abad, bandang 7:45 ng gabi naaresto si Johaira sa Brgy. Medicion 2-F, Imus City, Cavite sa pinagsanib na pwersa ng PDEU Cavite PPO at Imus City Police Station.
Nakumpiska mula kay Hadjizaman ang higit kumulang 325 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php2,210,000.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek.
Tiniyak ni PCol Abad na pag-iigtingin din ang koordinasyon at ganap na ipapatupad ang kanilang mga mandato laban sa ilegal na droga.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Ronald V Condes
Great work thanks PNP