Nasabat sa operasyon ng mga awtoridad ang Php2,108,640 halaga ng smuggled na sigarilyo nito lamang ika-20 ng Disyembre, 2024 sa Barangay Bogabongan Leon B Postigo, Zamboanga del Norte.
Kinilala ni Police Major Anjelo AM D Acuzar, Acting Chief of Police ng Leon Postigo Municipal Police Station, ang suspek na sina alyas “Joe”, 29 anyos, lalaki at residente ng San Jose Gusu Zamboanga City at alyas “Jaf”, residente naman ng Barangay Stanvac Campo Islam Calarian, Zamboanga City.
Ang operasyon ay isinagawa ng Leon B Postigo MPS katuwang ang Zamboanga del Norte Provincial Intelligence Unit na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga smuggled cigarettes at pagkakaaresto sa dalawang suspek.
Nakumpiska sa operasyon ang 220 reams Fort White Cigarettes, 935 reams Farstar Green Cigarettes, 535 Astro Red Cigarettes at 2 B and R Cigarettes, na may estimated value na Php2,108,640.
Mas pinaigting pa ng PNP ang kampanya laban sa smuggling sa rehiyon. Hinimok din ang publiko na makipagtulungan at agad iulat ang anumang kahina-hinalang gawain upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Pat Joyce Franco