Nasabat sa isang babaeng tulak ng droga ang higit Php2 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit sa Purok Maligaya, Barangay Cotta, Lucena City nito lamang Marso 9, 2024.
Kinilala ni PCol Ledon D Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang suspek na si Alyas “Ann”, 45 taong gulang, tinaguriang High Value Individual, at residente ng Purok Matahimik Isla, Lucena City.
Nakuha sa suspek ang 17 plastic sachets ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 102 gramo na nagkakahalaga ng Php2,080,800, kasama ang isang shoulder bag at isang weighing scale.
Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bilang pagsuporta sa programa ng ating Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng ating bansa, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na ipapatupad ang mga batas upang masiguro na payapa, ligtas at maayos ang komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Quezon PPO-PIO
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales