Benguet – Tinatayang Php2,070,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga awtoridad sa tatlong magkakahiwalay na plantasyon sa isinagawang Marijuana Eradication Operations sa Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-24 ng Pebrero 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng mga tauhan ng Kibungan Municipal Police Station, Benguet PEU/PIU, PDEA RSET at PDEA Baguio/Benguet na nagresulta sa pagkakadiskubre ng tatlong plantasyon:
Site 1: Sitio, Tacadang, Kibungan, Benguet na may 150 piraso ng fully grown marijuana plants (FGMP) na may Standard Drug Price (SDP) na Php30,000 at 15 kgs ng dried marijuana fruiting tops at stalks na may SDP na Php1,800,000.
Site 2: Sitio Batangan, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet na may 800 piraso ng FGMP at SDP na Php160,000.
Site 3: Sitio Batangan, Tacadang, Kibungan, Benguet na may 400 piraso ng FGMP at may SDP Php80,000.
Sa kabuuan ay mahigit kumulang 1,350 piraso ng fully grown marijuana plants na may timbang na 15 kilos ng dried marijuana na may kabuuang halaga na Php2,070,000 ang binunot at sinunog ng mga operatiba.
Samanta, wala namang nahuli na cultivator ngunit patuloy ang Benguet PNP at PDEA sa kampanya kontra ilegal na droga upang mahuli ang mga indibidwal na nagtatanim ng mga marijuana na walang ibang dulot kundi karahasan at pagkasira ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.